a•mu•gís : malaking laging-lungting punongkahoy (Koordersiodendron pinnatum) na 25 m ang taas, may mga dahong nakahanay sa magkabilâng gilid ng tangkay, at mga mga bulaklak na putî hanggang madilaw-dilaw na lungtian, at katutubò sa Filipinas
a•mu•rók•pok : hindi nakikítang masamâng espiritu na umuuga ng punò ng kawayan kung gabi para takutin ang mga naninirahan sa isang pook