a•no•mal•yá 1: katiwalian 2: distansiyang anggular ng planeta o satelayt mula sa hulí nitóng perihelion o perigee; sinusukat sa degree
anomie (án•o•mí) 1: kawalan ng katatagang panlipunan bunga ng pagbagsak ng mga pamantayan at halagahan 2: personal na himagsik o kawalang katiyakan bunga ng pagkawala ng layunin o mga mithiin sa búhay
anopheles (a•nóf•i•líz) : lamok ng genus Anopheles na kinabibilangan ng species na nagdadalá ng malarya
anorexia (an•o•rék•si•á) 1: kakulangan o kawalan ng gánang kumain 2: sakít ng mga dalaga na may pagnanasàng pumayat o gumanda ang hubog ng katawan sa pamamagitan ng hindi pagkaín