a•ní•to 1: sinaunang espiritu ng ninuno o ng kalikasan 2: noong panahon ng Espanyol, biluhaba o parihabâng tela, madalas na putîng linen, may krus sa gitna, at isinusuot ng pari sa leeg at balikat 3: a animísmo b pamahiin1 4: seremonya para sa mga espiritu 5: kaluluwa1
a•ni•wá•as 1: ikatlong kaluluwa na umaalis sa katawan kapag natutulog ang tao at maaaring maging sanhi ng pagkabaliw kapag hindi bumalik 2: multó
a•ni•yás de mó•ras : mataas at magaspang na damo (Vetiveria zizanoides) na may mabangong ugat at dahon, katutubò sa India ngunit malaganap sa Filipinas
anklet (áng•klit) 1: galáng o pulseras sa binti 2: maikling medyas na pambatà, karaniwang isinusuot ng babae