an•tá•la 1: paghabà sa panahon ng paglalakbay o paggawâ dahil sa di-inaasahang pangyayari 2: hindi pagkatupad ng gawain sa takdang petsa o oras
an•tan•dâ : paggawâ ng tandá ng krus sa noo, sa labì, at sa dibdib, karaniwang ginagawa bago at matapos magdasal
Antarctic Circle (an•tár•tik sír•kel) : magkaagapay na latitud na tumutukoy sa pinakamalamig na , bahagi ng mundo malapit sa South Pole