an•tás 1: kalagayan sa isang pataas o paunlad na pamantayan 2: katulad na kalagayan sa paaralan na batay sa paunlad na pag-aaral mula antas primarya hanggang antas kolehiyo
-an•te : pambuo ng pangngalan na nagpapahiwatig ng propesyon, tungkulin, o trabaho, hal negosyante, estudyante
án•te 1: tayâ ng isang manlalaro sa poker bago siya tumanggap ng baraha 2: halaga na binayaran nang maaga
ant eater (ánt í•ter) : mammal (family Myrmecophagidae) na may mahabà at malagkit na ilong, at kumakain ng langgam at anay
an•té•na 1: gumagalaw at biyas-biyas na organ para sa sensasyon o pandamdam na nása ulo ng mga kulisap 2: bára o alambre para sa pagpapalaganap o pagtanggap ng along-radyo