ar•bi•trár•yo 1: batay lámang sa pasiya ng isang indibidwal at hindi sa batas 2: walang pagpipigil 3: bunga ng kapangyarihang absoluto
ar•bi•trí•yo 1: noong panahon ng Espanyol, bayad sa mga lisensiya ng palaro at negosyo 2: kalayaan o kapangyarihan sa pagpapasiya
ar•bo•lánte 1: uri ng arko na nagdudulot ng papalabas at papababâng lakas sa isang kontrapuwerte 2: estruktura o palamuting pilipít ang hugis, karaniwang isinasáma bílang suporta sa mga retablo at katulad