ar•gáw : uri ng halámang-gamot; ang búkag ay pinakukuluan at ipinaiinom laban sa sakít ng tiyan at ang dahon ay gamot sa agihap
ar•gól•ya 1: maliit at bilóg na metal na sinasabitan ng kortina 2: malakíng singsing na bakal, karaniwang ginagamit ng mga akrobat 3: pagsasanay sa akto ng pagganap ng isang argolyador
Argonaut (ár•go•nót) : pangkat ng magigiting, kasáma si Jason na naglayag upang hanapin ang ginintuang lana
ar•gu•mén•to 1: pálítan ng mga pananaw, lalo na ang isang mainit at mahabàng pagtatálo 2: katwiran o pangangatwiran na ginagamit sa pagtatálo
Ár•gus : anak nina Jupiter at Niobe na may 100 matá, limampu ang laging bukás kayâ ginawâng tanod para kay Io ng selosang si Hera