archegonia (ar•ke•gów•ni•á) : hugis túbo na sex organ ng mga babaeng lumot, pakô, at ilang gymnosperm
architecture (ar•ki•ték•tyur) 1: arkitektúra 2: konseptuwal na estruktura at lohikal na organisasyon ng isang computer o sistemang nakabase sa computer
archive (ár•kayv) 1: artsíbo 2: paglilipat ng datos sa isang hindi gaanong gamitíng file, hal mula disk túngong tape
Arctic Circle (árk•tik•sír•kel) : magkaagapay na latitud na tumutukoy sa pinakamalamig na bahagi ng mundo malapit sa North Pole