ár•pa : malakíng instrumentong hugis tatsulok, tinutugtog sa pamamagitan ng pagkalabit sa isang serye ng kuwerdas na iba’t iba ang habà
arpegio (ar•pé•gi•yó) 1: pagtugtog nang sunod-sunod sa mga nota ng chord; pataas o pababâng nota o tunog 2: chord na tinutugtog sa ganitong paraan
ar•píl : sa ahedres, isa sa dalawang piraso ng magkaparehong kulay, na maaari lámang gumalaw nang diyagonal o pahilis
arrears (a•rírs) 1: utang na hindi nabayaran o atrasado ang pagbabayad 2: trabahong hindi pa nagagawâ; pananagutang hindi natupad sa takdang panahon
arrow (á•row) 1: túnod2 2: tandâ na may tulad na anyo, karaniwang ginagamit sa pagtuturo ng direksiyon