ar•se•nál 1: bodega ng armas 2: establisimyento ng pamahalaan para sa pag-iimbak at paggawâ ng armas at bála
Ars gratia artis (árs gra•tí•ya ár•tis) : paglikhang nakaalay lámang sa hilig at kapakanang pansining
ar•so•bís•po : pinakamataas na ranggo ng obispo at namumunò sa isang diyosesis; punòng obispo ng isang lalawigan
art deco (art dé•ko) : maimpluwensiyang estilong modernista sa dekoratibong sining noong 1920-1930, gumagamit ng mga heometrikong padron, matitingkad na kulay, matatalas na gilid, kadalasang ginagamitan ng enamel, krómo, tanso, at kininis na bató
Ar•te•mís : sinaunang diyosa na iniuugnay sa buwan at itinuturing na mangangasong birhen; diyosa ng buwan at birhinidad, anak ni Leto at kapatid ni Apolo