ar•til•ye•rí•ya 1: malalakíng kanyon at sandatang pandigma 2: sangay ng sandatahang lakas na gumagamit ng mga ito
ar•ti•pis•yál 1: hindi natural; gawâ o ginawâ lámang 2: likha ng sining o punyagi ng tao sa halip na gáling sa kalikasan 3: huwád1
ár•tist 1: tao na may kasanayan sa sining, gaya ng pintor o eskultor 2: tao na may kasanayan sa pagtatanghal sa madla 3: tao na nagpapakíta ng kasiningan at kasanayan sa kaniyang gawain
art noveau (art nu•vów) : estilo ng dekoratibong sining, arkitektura, at disenyo na natatangi sa paggamit ng masalimuot na disenyo at motif batay sa likás at hindi magkakatulad na anyo
ar•tsí•bo 1: koleksiyon lalo na ng mga dokumento o kasulatang pampubliko, pangkasaysayan, o pangkorporasyon 2: tipunan ng mga kasulatang publiko o mga makasaysayang bagay