arteriosclerosis (ar•tír•i•os•kle•ró•sis) : pagkawala ng kakayahang mabanat at pagkapal ng dingding ng mga artery, lalo na dahil sa pagtanda; paninigas ng mga ugat
ar•tér•ya 1: tila túbo, sanga-sanga, at mamasel na lagúsan ng dugo mula sa puso túngo sa mga bahagi ng katawa 2: anumang may katulad na katangian o anyo
Arthropoda (ár•thro•pó•da) : malakíng phylum ng invertebrate, biyas-biyas ang katawan, dugtungan ang mga binti, at may talukab, tulad ng krustaseo, kulisap, at araknida
artifact (ár•ti•fákt) 1: produkto ng sining at kasanayán ng tao 2: produkto ng sinaunang tao 3: salik na hindi likás na naroroon
artifice (ár•ti•fís) 1: mahusay na aparato 2: pagiging tuso 3: husay o galíng ng kamay 4: produkto ng kasanayán ng tao; likha ng tao
ar•tí•ku•ló 1: isang bagay 2: kalákal, karaniwang walang gaanong pagkakakilanlan 3: lathalain sa diyaryo, magasin, o journal 4: tadhanà2 5: a partikular na bahagi b sugnay o bahagi ng dokumento 6: pantúkoy