as•pál•to : pinaghalò-halòng alkitran, bató, buhangin, apog, at iba pa na ginagamit sa paggawâ ng kalsada
as•pá•ra•gús 1: uri ng haláman sa genus Asparagus 2: isang species nitó (A. officinalis) na nakakain ang usbong at damo
aspartic acid (a•spár•tik á•sid) : amino acid na matatagpuan sa protina, mahalaga sa metabolismo ng hayop bílang neurotransmitter
as•pik•si•yá : kakulangan ng oxygen sa dugo, nagiging sanhi ng pagkawala ng malay o kamatayan; kahirapan sa paghinga
ás•pi•rín : putî at solidong acetylsalicylic acid, panlunas sa kirot at lagnat, karaniwang nása anyong tableta
assess (a•sés) 1: tayáhin ang lakí o kalidad; tayáhin ang halaga para sa pagtatakda ng buwis 2: itakda ang halaga ng buwis, multa, pinsala, at iba pa at ipataw ito sa isang tao, kompanya, o komunidad 3: magpataw o patawan ng buwis o multa ang isang tao o ari-arian