assessor (a•sés•or) 1: tao na tumatása sa halaga ng buwis o ari-ariang papatawan ng buwis 2: tagapayo ng hukom, komite sa pagsisiyasat, at iba pa tungkol sa mga teknikal na usapin
asset (ás•et) 1: a kapakipakinabang o mahalagang katangian b tao o bagay na nagtataglay ng gayong katangian 2: anumang mahalagang pag-aari, lalo na yaong itinuturing na maaaring ipambayad ng utang at iba pang pananagutan 3: yaman, kabuhayan, at lahat ng pag-aari ng isang tao, korporasyon, at iba pa
assignment (a•sáyn•ment) 1: talagá3 o pagtatalagá 2: hírang3b o paghirang 3: destíno2 4: takdáng aralín 5: a paglilipat o pagkakalipat, gaya ng karapatan o pagmamayari b ang dokumento o kasulatan nitó
assist (a•síst) 1: tulong o pagtulong 2: sa basketbol at katulad, pagtulong upang makapuntos ang kakamping manlalaro
associate (a•só•syi•éyt) 1: kasáma sa asosasyon, hal kasósyo sa negosyo 2: kaibigan 3: nakabababàng miyembro ng isang kalipunan, institusyon, at katulad
associate (a•só•syi•éyt) 1: pag-ugnayin sa isip 2: pagsamahin o pagkabitín 3: maging kasosyo 4: makipagkaibigan
Association of Southeast Asian Nations (a•so•si•éy•syon ov sáwt•ist éy•syan néy•syons) : organisasyong pampolitika at pangkabuhayan ng mga bansa sa timog-silangang Asia (Brunei, Cambodia, Filipinas, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, at Viet Nam) na itinatag sa Bangkok, Thailand noong 8 Agosto 1967