a•wás 1: pagbabâ ng halaga ng kahit anong bagay 2: varyant ng báwas1 3: pagkalas o pagtanggal 4: manugang
á•was 1: pag-apaw ng tubig o butil mula sa sisidlan 2: manugang na laláki 3: pagdadalá ng isang bagay nang nahihirapan
á•wat 1: pagpapatigil o pagsaway 2: pagbabawas ng gatong upang mabawasan ang liyab o siklab 3: pagpapatigil ng sanggol sa pagsúso sa ina
aw•dis•yón 1: pagsubok sa kahusayan at kaangkupan ng mang-aawit, aktor, mananayaw, at katulad 2: kakayahang makarinig o makinig
aw•di•tí•bo : bahagi ng anumang kasangkapan na konektado o inilalapit sa tainga, tulad ng sa telepono, radyo, at iba pa
aw•di•tór 1: tao na may kapangyarihang magsuri ng mga kasulatan upang alamin kung tamà ito 2: tao na nakikinig o tagapakinig
aw•di•tór•yo 1: malawak na silid o espasyong nakalaan para sa manonood o madla sa simbahan, teatro, paaralan, o iba pang institusyon; malakíng bulwagan 2: gusaling itinayô para sa pampublikong pagpupulong, panayam, at iba pang malakíng pagtitipon
a•wi•á•wi 1: tao o bagay na unti-unting nawawalan ng halaga 2: áwoy 3: tao na hindi ginagawâ ang inaasahang magagawâ 4: mga munting kalakal o paninda