aw•ró•ra (aw•ró•ra) 1: kumikinang na liwanag, sa ibabaw ng polong magnetiko sa hilaga o timog 2: liwaywáy
aw•tén•ti•kó 1: tunay1,2,6 2: mapagkakatiwalaan 3: nagtataglay ng mga nota sa pagitan ng panghulíng nota at higit na mataas na oktaba nitó
aw•tís•mo : kalagayan ng pag-iisip na lubusang nakatuon sa sarili at walang kakayahang tumugon o makipagtalastasan sa ibang tao
aw•to•gra•pí•ya 1: pagsusulat sa pamamagitan ng sariling kamay 2: tunay na kopya ng nakasulat o nakaguhit
aw•tó•gra•pó 1: lagda, lalo na ng isang tanyag na tao 2: súlat-kamáy 3: manuskrito sa sulat-kamay ng awtor 4: dokumentong nilagdaan ng awtor nitó
aw•tok•rás•ya 1: pamahalaang hawak ng iisang tao ang lubos na kapangyarihan 2: kapangyarihan ng awtokrata 3: bansa o lipunang may ganitong uri ng pamahalaan
aw•to•mas•yón 1: paggamit ng de-mákiná o de-koryenteng kasangkapan upang makatipid sa mental at manwal na paggawâ 2: awtomatikong kontrol sa iba’t ibang yugto ng paggawâ ng produkto
aw•to•má•ti•kó 1: kusang kumikilos, gumagalaw, umaandar, o tumatakbo 2: agad-agad; agaran at hindi na iniisip 3: kailangan at tiyak na magaganap 4: ginagawâ nang wala sa loob o hindi namamalayan 5: sa baril, tuloy-tuloy na pumuputok hanggang maubos ang bala o hanggang maalis ang pisil sa gatilyo 6: sa sasakyang de-motor, gumagamit ng kambiyo na kusang nagbabago ayon sa tulin at pagpapabilis