aw•tó•no•mó (aw•tó•nó•mo) 1: malayà 2: may kalayaan; may kasarinla 3: may kinaláman sa kalayaan o awtonomiya
aw•top•sí•ya 1: pagtistis at pagsusuri sa bangkay upang alamin ang sanhi ng pagkamatay 2: anumang kritikal na pagsusuri 3: personal na pagsusuri
áw•to•ri•dád 1: maykapangyarihan 2: tao o lupong may kapangyarihang pampolitika, administratibo, at katulad 3: tao na dalubhasa sa anumang karunungan 4: kinikilálang mahusay na sanggunian 5: bigat ng ebidensiya
áw•to•ri•tar•ya•nís•mo : paraan ng pamamahala na nagpapairal ng mahigpit na pagsunod sa gobyerno o awtoridad at sumisikil sa kalayaan ng mamamayan
aw•to•ri•ta•tí•bo 1: kinikilála bílang totoo at mapananaligan; dapat sundin o tuparin 2: opisyál2 3: ng awtoridad o ng isang dalubhasa 4: makapangyarihan