aerie (éyr•i) 1: pugad ng banóg, lawin, at iba pang ibong mandaragit 2: inakáy ng lawin, agila, at iba pa
aerogram (éyr•o•grám) : sulat na nása isang papel, nakatupi, selyado, at ipinadadalá sa pamamagitan ng eroplano
aerophobia (éyr•o•fó•bi•á) : abnormal na takot sa simoy ng hangin, gas, at anumang bagay na lumilipad o nása hangin
aerosol (éyr•o•sól) 1: substance na ipinaloob sa sisidlan, karaniwang may propellant gas, at inilalabas sa pamamagitan ng spray 2: anumang sisidlan ng substance na ito 3: sistema ng mga colloidal particle na nakakalat sa gas, usok, at iba pa