• ad•wâ
    png
  • ad•wá•na
    png | [ Esp aduana ]
    1:
    noong panahon ng Espanyol, sangay ng pamahalaan na naniningil ng buwis para sa inaangkat at iniluluwas na kalakal at kargaménto
    2:
    gusali para sa naturang gawain
    3:
    produkto o kalakal na pinatawan ng buwis
  • ad•wa•né•ro
    png | [ Esp aduanero ]
    :
    ahente sa isang adwana
  • ad•yâ
    pnd
    :
    varyant ng adiyá
  • ad•yá•ngaw
    png | Bot
    1:
    [Bik Seb] dadyángan
    2:
    [Bik] almasíga
  • ad•yár
    png | [ Kap ]
    :
    kináyod na bungangkahoy, gaya ng kinayod na niyog o kinayod na papaya
  • a•dyén•da
    png | [ Ing agenda ]
    1:
    listáhan ng mga bagay na balak gawin
    2:
    mga pag-uusapan sa pulong
  • ad•yó
    png
    1:
    maikling pagdalaw o pagbisita
    2:
    akyát1
  • ad•yóng
    png | Mit | [ Hil ]
    :
    bangkang sinasakyan ng kaluluwa ng yumao patúngo sa kaharian ng mga patáy
  • ád•yong
    png | Ntk | [ Hil ]
    :
    malakíng barko, gaya ng Arka ni Noe
  • ad•yóp
    pnd
  • adze (adz)
    png | [ Ing ]
  • á•e
    png | Ana | [ Mrw ]
  • Aegean Sea (i•dyí•yan si)
    png | Heg | [ Ing ]
    :
    Dágat Aegean
  • aegis (í•dyis)
    png | Mit | [ Gri Ing ]
    :
    kalasag ni Zeus o Athena, na may mukha ng Gorgon sa gitna
  • á•em
    png | Bot | [ Tin ]
  • Aeneas (í•ni•ás)
    png | Lit | [ Ing Lat ]
    :
    bayaning Trojan, kinikilálang ninuno ng mga Romano at bida sa Aeneid ni Vergil
  • Aeneid (éy•nid)
    png | Lit | [ Ing Lat ]
    :
    epiko ni Vergil hinggil sa pakikipagsapalaran ng bayaning Trojan na si Aeneas matapos ang pagbagsak ng Troya
  • aeon (í•on, í•en)
    png | [ Ing ]
    :
    varyant ng eon
  • a•e•rá•do
    pnr | [ Esp ]
    1:
    lantad sa hangin
    2:
    hinangin, gaya ng likido sa paggawâ ng soda water