á•kin 1: panghalip panáong isahan, nása kaukulang paari at unang panauhan, at inilalagay sa unahan ng salitâng kumakatawan sa bagay na pag-aari ng nagsasalita 2: patungkol sa pag-aari ng isang tao hal Akin ang bahay
á•kit 1: pantawag sa pansin o damdamin ng iba 2: paghikayat sa pamamagitan ng paghahandog ng ilang kabutihan
ak•láb 1: marahas na pagbuklat ng páhiná ng aklat 2: paggawâ nang higit sa ipinagagawâ 3: pagpapalapad sa dulo ng pamalò
ak•lás : organisadong pagtanggi ng mga obrero na magtrabaho hanggang mabigyan ng lunas ang kanilang karaingan