a•kó : panghalip panaong isahan, unang panauhan, nása kaukulang palagyo, at ginagamit ng tagapagsalita upang tukuyin ang kaniyang sarili
a•kó•li•tó 1: menor na orden bago maging diyakono 2: laykong ministro na katuwang ng pari sa pagbibigay ng komunyon
a•kó•ni•tó 1: haláman (Ranunculaceae acow-tum) na may bahaging kapuwa nakalalason at nakagagamot 2: gamot na gáling sa halámang ito
a•kor•dá•da : noong panahon ng Espanyol, konstabularyang pangnayon na binuo upang tugisin at parusahan ang mga tulisán
a•kor•de•ón : portabol na instrumentong maaaring may tekladong tulad ng sa piyano, tinutugtog sa pamamagitan ng pagbubuka at pagtitiklop sa tíla pliyeges na bahaging nagbubugá ng hangin sa mga dilang metal