ak•sa•yá 1: bagay na hindi napakinabangan para sa kaukulang gamit 2: walang pakinabang na paggamit ng talino, lakas, panahon, o salapi
ak•se•sór•ya 1: karagdagang bahagi 2: ilang abubot ng damit na nagpapatingkad sa kagandahan ng nagsusuot 3: tao na malayò sa pinangyarihan ng krimen ngunit itinuturing pa ring kasabwat ng akusado
ak•si•dén•te 1: hindi kanais-nais o malungkot na pangyayari o pagkakataon 2: anumang pangyayaring hindi inaasahan
ák•sis 1: tuwid na linya o guhit, tunay man o konsepto lámang, na iniikutan halimbawa ng isang planeta 2: nakapirming guhit na sinasangguni sa pagsulat ng mga coordinate at iba pa 3: katawan o punò ng kahoy 4: kasunduan o alyansa ng dalawa o higit pang bansa na may iisang layunin 5: gitnang bahagi ng isang organ o organismo
ak•síw 1: pambalot na gawâ sa yantok para sa malalaking tapayan ng tubig na isinasabit sa magkabilâng dulo ng pingga 2: balutì
ak•si•yóm 1: pahayag o prinsipyong tinatanggap bílang totoo kahit walang pruweba; kinikilálang tuntúnin, prinsipyo, o batas 2: malinaw na katotohanan