ák•ti•bís•mo 1: marubdob na pagkilos at pakikilahok lalo na sa gawain at usaping pampolitika 2: teorya na nása pagsasagawâ o pagsasakatuparan ang diwa ng katotohanan 3: teorya na nakasalalay sa galaw ng utak ang ugnayan ng isip at mga bagay na tinitingnan
ák•ti•bís•ta 1: tao na nagtataguyod sa aktibismo 2: anumang may kaugnayan sa aktibismo 3: pagsulong o pagtutol sa isang paniniwala o isyu
ák•ti•túd 1: pakiramdam o saloobin kaugnay ng isang tao o bagay 2: anumang ipinapakítang kilos o pagkilos 3: pakikisáma sa ibang tao 4: agresibong ugali
ák•to 1: proseso ng pagsasagawâ 2: pormal na desisyon, batas, at iba pa na pinagtibay ng hukuman o ng awtoridad 3: instrumento o dokumento ng nagawâ o natapos ayon sa napagkasunduan o ayon sa transaksiyon 4: yugto 5: maikling palabas na kalimitang bahagi ng programa sa radyo o telebisyon 6: palabas lámang 7: a kasalukuyang operasyon b dahilan ng operasyon c anyo na nagbibigay ng esensiya d kabaligtaran ng kakayahan
ák•tor 1: artistang laláki, ak•trés kung babae 2: kahawig na tagaganap ng ganitong gawain o tungkulin
ak•tu•wár•yo 1: klerk ng hukuman 2: eksperto sa matematika at estadistika at may tungkuling kalkulahin ang seguro, mga reserba, at mga dibidendo
a•kú•men : kakayahang gumawâ ng mahusay na paghuhusga at mabilis na pasiya, lalo na sa isang partikular na larangan, gaya sa negosyo