barn 1: imbakan ng mga butil at katulad 2: kamálig1 3: yunit ng nuclear cross section na katumbas ng 10-24 sentimetro kuwadrado (symbol b)
bar•nís : pinaghalòng alkohol at dagta na pampakintab sa mga muwebles at iba pang kasangkapang yarì sa kahoy
ba•rók 1: pinulbos na balát ng bákaw at ginagawâng pangkulay sa tubâ 2: parang batà ang paraan ng pagsasalita 3: baroque 4: piraso ng tela na , ibinabálot sa pupúlsuhan bago pumanà
bá•ron, ba•rón 1: kasapi ng pinakamababàng orden ng maharlika sa Great Britain 2: maharlika ng ibang bansa na may gayong ranggo 3: tao na makapang-yarihan o malaki ang impluwensiya, lalo na sa negosyo o industriya