bar•yá 1: maliit na halaga ng salaping karaniwang ginagamit sa pagbabayad sa mumunting bilihin at sa pagsusukli 2: anumang salaping kulang sa piso, gaya ng sentimo 3: pagbanggit o , pagbibigay-alam 4: paggaya o panggagaya
bar•ye•dád 1: pangkat ng iba’t ibang uri, lalo na ang nakapaloob sa isang pangkalahatang pag-uuri, hal baryedad ng mga prutas 2: iba’t ibang anyo, kalagayan, at yugto ng isang bagay, hal baryedad ng tinapay 3: uri ng hayop o haláman na likha sa pamamagitan ng siyentipikong pamamaraan