bá•rong 1: itak na makapal ngunit may manipis na talim, paliyad ang hugis, baluktot sa dulo, at karaniwang gamit ng mga Muslim 2: makamandag na ahas (genus Crotalus o Sisturus) na may matitinik at magkakawing kawing na singsing sa buntot na tumutunog kapag umaalog
bá•rong-in•tsík : damit pang itaas ng mga laláking Filipino na walang kuwelyo at may mahabà at maluwang na manggas
bá•rong-ta•gá•log : damit pang itaas ng mga laláking Filipino na gawâ sa pinya o anumang manipis na tela,may kuwelyo, at mahabà ang manggas; pambansang kasuotan ng laláki
baroque (ba•rówk) : estilo ng sining at arkitekturang namayani sa Europa mula 1550 hanggang katapusan ng ika 18 siglo, natatangi sa masalimuot at detalyadong palamuti at paggamit ng nakakurba sa halip na tuwid na guhit
ba•ró•to 1: bangkang makitid na linabra mula sa isang piraso ng kahoy, ginagamit sa pangingisda 2: maliit na sandok o pansalok na hugis bangka at gawâ sa kahoy