ba•sà : kabibe o clam (Tridacna maxima) na higit na mahabà ang isang takupis na kulay putî at dilaw, at humahabà nang 35 40 sm
bá•sa 1: pagtunghay at pag-unawa sa nakasulat 2: pabigkas na pagtunghay sa nakasulat 3: wikà 4: bató o puntód na libingan
bá•sal 1: nása kabataan; batà pa 2: wala pang karanasan sa seks 3: hindi kongkreto 4: kung sa lupa, hindi pa napagtatamnan o tiwangwang
basalt (ba•sólt, béy•solt) : maitim na batóng mula sa bulkan, karaniwang natatagpuang tíla posteng nakahanay
ba•sál•to : sa sistemang piyudal ng Europa, tao na binigyan ng lupain kapalit ng katapatan, paglilingkod, at serbisyo sa kaniyang panginoon