ba•sár 1: pook na mabibilhan ng iba’t ibang produkto 2: pagtitinda para sa kawanggawâ o sa itinataguyod na organisasyon 3: alkálde1
bas•bás 1: salita at kilos para magbigay ng pahintulot, magdulot ng biyaya, magpahayag ng mabuting hangarin, o magpatawad 2: bahagi ng ritwal o seremonya para gawing banal o para ipahayag ang kabanalan ng mga kalahok o ng layon nitó 3: bahagi ng ritwal para sa pagwiwisik ng bendita
base (beys) 1: a pundasyon ng isang bagay o estruktura; pinakamababàng bahagi; ilalim b estruktura na pinagkukunan o pinagkunan o batayan ng isang bagay 2: sa Marxismo, sistemang pangkabuhayan ng isang lipunan na nakaiimpluwensiya o nagtatakda ng institusyon at kultura nitó 3: batayan 4: pook na pinagmumulan ng atas; sentro ng operasyon o aktibidad 5: pangunahin o mahalagang sangkap o elemento 6: a compound na maaaring ihalò sa isang acid upang makabuo ng isang salt b compound na maaaring tumanggap ng proton mula sa isang acid c compound na makapagbibigay ng isang pares ng electron sa isang acid 7: itinakdang bílang na pinagbabatayan ng iba pang bílang o logaritmo 8: sa beysbol, alinman sa apat na sulok na dapat daanan upang makapuntos 9: dúlong sugpungan ng isang organo