baseboard (béys•bord) : disenyong gawâ sa kahoy na nakapalibot sa panloob at ibabâng bahagi ng dingding
baseline (béys•layn) 1: guhit na nagsisilbing base o kumakatawan nitó 2: sa tennis at katulad na laro, ang guhit sa bawat dulo ng court
basement (béys•ment) 1: pinakamababàng palapag ng isang gusali, karaniwang higit na mababà sa nibel ng lupa 2: pagamutan ng mga sugapa sa alak o bawal na gamot
bá•si 1: alak mula sa katas ng tubó 2: mga dahon na inilalagay sa kílang2 3: lináb o marumíng bahagi sa ibabaw ng tinunaw na metál
basic (béy•sik) 1: pundamental 2: may katangian ng o nagtataglay ng isang base 3: hindi aabot sa limampung porsiyento ang taglay na silica 4: pinakapayak o pinakamababàng antas
bá•sil 1: uod na mabalahibo 2: kálang na ginagamit sa pagsisibak ng kahoy o pagbubukás ng kahon 3: kabilâ