ba•ta•kán 1: súkat1 2: katad na hasaan ng labaha 3: a lukáw b kasangkapang bákal na ginagamit sa pagpapalapad o pagpapanipis ng ginto 4: gabbang
bá•tak-du•ngán : panawagan sa espiritu ng bagong sílang na sanggol upang permanenteng manirahan ito sa kaniyang katawan
ba•ta•lán 1: dugtong na estruktura sa likod ng bahay, gawâ sa kawayan, at ginagamit na paliguan, labahan, o hugasan 2: pahingá bago pumasok sa bahay
bá•tang 1: palutang na nakakabit sa dulo ng talì ng bintol o sa anumang bagay na inihuhulog sa dagat upang madalîng tuntunin 2: tambak na ginagawâ sa mga pook na sinisirà ng tubig upang hindi matibag ang lupa 3: punò ng kahoy 4: tangkay1,2 5: natumbang patáy na punò 6: kawayang tikin o nakalutang na kahoy, karaniwan sa ilog, dagat, o lawa