bá•tay 1: gawing pundasyon ng anuman 2: itatag bílang katunayan o katibayan 3: ipatong ang ilang bagay sa ibabaw ng iba nang pantay
ba•ta•yán 1: pangu-nahing sangkap o panimulang gawain upang mabuo ang isang bagay, lalo na ng isang idea o argumento 2: pangunahing prinsipyo o sangkap 3: pinagmulan ng talakayan at katulad 4: tuntúning sinusunod
ba•ter•yá 1: sa hukbo, kulungan 2: pangkat ng mánganganyón at ang kanyóng kanilang ginagamit 3: kasangkapan na mapagkukunan ng koryente, binubuo ng isa o higit pang cell na lumilikha ng koryente sa pamamagitan ng reaksiyong kemikal 4: hanay o pangkat ng magkakatulad o magkakaugnay na bagay na pinagsáma-sáma o ginagamit bílang isang yunit 5: mahabàng serye o pagkakasunod-sunod
bat•ha•là 1: makapangyarihang nilaláng sang-ayon sa paniwala, karaniwang naghahari sa isang larangan o bahagi ng búhay 2: tao na dinadakila at sinasamba