bathos (bá•tos) 1: hindi sinasadya, bigla, at katawa-tawang pihit ng pananalita o panulat mula sa marangal túngo sa karaniwan 2: hindi tapat at labis na pagkahabag
ba•tì 1: pagtawag sa isang nakasalubong o nakíta 2: pahayag ng pagkalugod sa isang tao na nagdiriwang 3: pagpansin sa hindi magandang asal
ba•tí•bat 1: paraan ng paghagis ng bató 2: uri ng duwendeng bumibiktima sa matatakaw hábang natutulog 3: bangúngot1
ba•tí•bot 1: uri ng matibay na upuan, gawâ sa bakal, karaniwang nakikíta sa may hardin o bakuran ng bahay 2: tao na maliit ang pangangatawan ngunit matipunô 3: pagsusuri o pagsisiyasat nang mabuti sa isang bagay sa pamamagitan ng pagsalat 4: pag-aalis ng bituka 5: pagsisiksik ng isang bagay sa isang butas 6: katawan ng kawayan na halos walang bútas at matigas na ginagamit sa lahat ng uri ng bagay na matibay
ba•tíd 1: nauunawaan o natitiyak na totoo o tunay 2: nakatátag sa isip o alaala 3: kilala ang pag-iral ng isang tao, pook, o bagay sa pamamagitan ng paningin, karanasan, o ulat 4: nauunawaan mula sa karanasan 5: maaaring ibukod o kilalanin sa pangkat ng marami 6: may impormasyon hinggil sa isang bagay
ba•tí•do 1: binatíng maigi; hinalòng mabuti 2: matigas at siksik 3: sanáy sa anumang bagay; batikán o eksperto