ba•ta•ngán : putol ng kawayan o kahoy, nakakabit nang pahalang sa bangka at kabitan ng katig ang dulo
Ba•tá•ngan 1: isa sa mga pangkating etniko ng Mangyan na matatagpuan sa kagubatan ng hilagang Buhid 2: matandang tawag sa Batangas
ba•tang•gá : hálang na yarì sa kawayan, kahoy, o bakal na inilalagay upang suportahan ang karga o bigat.
ba•tás : alituntuning itinakda ng mga mambabatas o kaugaliang si-nusunod ng isang lahi, lipunan, o bansa
bá•taw 1: makinis na baging (Dolichos lablab) na nakakain ang bunga at dahon 2: palútang 3: sáma-sáma o kawan-kawang paglipad ng mga bubuyog