ba•tóng-ka•wá•yan : malabubog, karaniwang maputî at makináng, na nakukuha sa loob ng biyas ng kawayan
ba•tóng-páng•hí•lod : bató na ginagamit na pangkuskos sa katawan kung naliligo upang maalis ang libag
ba•tó•tok 1: maliit at punggok na loro (Bolbopsittacus lunulatus) na may lungti at dilaw na kulay 2: matsíng
ba•tó•toy 1: lamandagat (Arca antiquata) na karaniwang matatagpuan sa mababatóng bahagi ng dagat 2: tawag sa batàng paslit
bat•sám : kasangkapang gawâ sa bakal na gapalito ang laki ngunit higit na mahabà at ginagamit sa paghuhugis o pagdidisenyo ng alahas
Bat•sil•yér sa Arte 1: titulo na iginagawad sa nagtapos ng pag-aaral sa agham panlipunan o humanidades 2: tao na may ganitong titulo
Bat•sil•yér sa Si•yén•si•yá 1: titulo na iginagawad para sa nagtapos ng pag-aaral sa agham pangkalikasan, purong agham, o teknolohiya 2: tao na may ganitong titulo