ba•tú•han 1: isang laro ng pukúlan ng bató, putik, at iba pang bagay 2: pagbibitiw ng nakasasakít na puna o salita ng magkatunggali
ba•tu•láng 1: silindrikong basket 2: kambal na basket na isinasakbat sa likod ng kabayo o báka upang paglagyan ng prutas at ani
ba•tu•tà 1: pahabâ at binilog na piraso ng kahoy at gamit ng pulis 2: sagisag ng kapangyarihan o ng pag-abuso sa kapangyarihan
bat•wán : punongkahoy na may bungang mabílog at kulay berde, ginagamit na pampaalis ng lansa sa kinilaw