bat•yâ 1: malakí at maluwang na sisidlan, karaniwang ginagamit na lalagyan ng tubig 2: malukong at pabilog na uka
bat•yá•wan : papag sa pabahay ng malaking baklad na ginagamit na pahingahan at pinaglalagyan ng gamit ng bantay sa baklad
ba•ú•ngan : ibong kauri ng pipit-motas (Pharus elegans family Paridae) ngunit mas mapusyaw na dilaw ang katawan at medyo abuhin ang ulo