ba•tík 1: paraan ng pagdidisenyo sa tela, tinatakpan ng pagkit ang mga bahaging hindi kukulayan 2: telang kinulayan sa ganitong paraan 3: padron na tela mula sa pagkit o pintura
Ba•ti•ká•no 1: pook sa Roma na kinatatayuan ng palasyo ng Papa at ng Basilika San Pedro 2: kapangyarihan o pamahalaan ng Papa
ba•tí•kos 1: pagpuna o pagtuligsa sa kapuwa, karaniwan sa publiko 2: nakalalasong kombinasyon ng arseniko at asupre
ba•ti•ku•líng 1: punongkahoy (Litsea glutinosa) na habilog ang dahon, dilaw ang bulaklak, at bilóg ang bunga 2: punongkahoy (Paralstonia clusiacea) na matigas at ginagawâng tabla at aparador
ba•ti•kúng•kong : alarma na gawâ sa bumbong ng kawayan, pinupukpok sa gabi kung may panganib o magnanakaw