bá•yang 1: halámang tumutubò sa pasô 2: darapúgan 3: kítang1 4: pagsunog ng palayok o alinmang kagamitang gawâ sa luad na kayayarì lámang upang maging ganap at matibay
ba•yá•ngaw : parasitikong langaw (family Oestridae, Gastero-philidae, o Cuterebridae) na karaniwang dumarapo sa balát ng kabayo o kalabaw
ba•yá•ni 1: tao na may kahanga-hangang katapangan at abilidad 2: tao na itinuturing na may kahanga-hangang katangian at may nagawâng napakahalaga 3: pangunahing tauhang laláki sa dula, kuwento, pelikula, at katulad 4: a nilaláng na may katangiang tulad ng mga diyos b mandirigma na may espesyal na lakas, tapang, o abilidad 5: gawaing panlahat
ba•ya•ní•han : tawag sa pagkakaisang nagpapagaan sa anumang gawain sa pamamagitan ng tulungán at damayán
bá•yar 1: varyant ng báyad 2: pagtatakip ng bútas, pagdadagdag ng kulang 3: pagbilí at pagbibilí ng mga alipin
ba•ya•rán 1: panahon ng pagbabayad 2: pook na pinagbabayaran 3: tao na binayaran upang gumawâ ng isang bagay, karaniwang lihim
ba•ya•rín : bagay o listahan ng mga bagay na dapat bayaran hal utang, konsumo sa koryente, hinuhulugang kasangkapan