ba•ya•ís 1: sakim at masamâ ang ugali 2: maligalig, makipag-away 3: balisá dahil sa makipot na kinalalagyan
ba•yak•bák : matigas na punongkahoy at may bungang kahawig ng kumpol-kumpol na bayabas at kinakain lámang ang balát na lasang makopa
ba•yá•kos-pam•bang•kâ 1: malakíng lambat na ayos púkot, gawâ sa sinamay, at iniuumang mula sa bangka 2: sa Pampanga, lambat na panghúli ng hipon
ba•yá•kos-pan•lá•kad : lambat na ayos púkot, hawak ng dalawang tao, at ipinanghuhúli sa hindi kalalimang tubigan
-bá•yan : pambuo ng tambalang salita at nagpapahiwatig ng sambayanan o ng taumbayan, gaya sa panitikang-bayan, awiting-bayan
bá•yan 1: bansâ1 2: mamamayan 3: pook na sinilangan at tinatahanan; lupang tinubuan 4: yunit ng pangangasiwa sa gawaing pampolitika ng pamahalaan na binubuo ng mga baranggay 5: palumpong (Memecyclon ovatum) na habilog ang dahon, matingkad na asul ang bulaklak, at kulay lila ang bunga 6: lantad na pook 7: pahayag1-3 8: espasyo mula rito hanggang sa langit 9: panahon, gaya sa “masamâng bayan” masamâng panahon