bá•wig 1: pantikwas o pang-alsa ng mabigat na bagay 2: gawâ sa kawayang panghúli ng isda 3: kawayang puluhan para sa bitag ng ibon
baw•tis•tér•yo : bahagi ng simbahan, o gusaling katabí nitó, na ginagamit sa pagbibinyag; pook ng pagbibinyag
bay (bey) 1: bahagi ng dagat na umaabot sa kalupaan 2: punongkahoy (Laurus nobilis) na berde ang dahon at lila ang bunga 3: a puwang o bahagi ng dingding o gusali na humahati rito b nakapaloob na espasyong nakanguso sa dingding, may isa o higit pang bintana 4: bahagi ng barko o eroplano, ginagamit para sa isang natatanging layunin 5: malalim at mahabàng alulong ng áso 6: malalim at mahabàng alulong ng áso 7: mamulá-muláng kulay kape 8: kabayo o alinmang hayop na may ganitong kulay