be•gón•ya : halámang ornamental (genus Begonia) na may mahigit 70 katutubòng species sa Filipinas, itinatanim dahil sa mayabong at makulay na dahon mula sa mamulámulá, dalandan, hanggang lungtian
be•hí•ku•ló 1: sasakyan 2: paraan ng transmisyon o pagpapadalá 3: medium para sa iniisip, damdamin, o aksiyon
be•kè : nakahahawang sakít na pamamagâ ng parotid at alinman sa mga glandulang lumilikha ng laway, at kung minsan, pamamagâ ng testes, obaryo, at katulad
bék•wa : sinaunang damit na pang-itaas ng laláking Filipino na bukás ang dakong harap na hanggang sikmura, maikli ang manggas, at walang kuwelyo