be•las•yón 1: sa simbahang Katoliko, seremonya para sa kasál 2: aliwan o laro hábang naglalamay sa patay
Bé•lat! : pahayag na nanunukso at nang-uuyam; madalas may kasabay na paglabas ng dila at itunutuon ang mga hinlalaki sa magkabilâng sentido hábang ikinakaway ang mga daliri
bel canto (bel kán•to) 1: estilo ng operatikong pag-awit na gumagamit ng madamdamin, malakas, at buong tono 2: uri ng aria na inaawit sa ganitong paraan