bel•lád 1: mollusk na nakatirá sa batuhán 2: pag-alsa ng butil dahil sa pagkababad sa tubig 3: pagsakít ng tiyan dahil hindi natunawan 4: pagkain nang labis
belle époque (bel e•pók) : panahong 1871-1914 na nagsimula sa pagtatapos ng digmaang Franco-Prussian hanggang sa pagputok ng Unang Digmaang Pandaigdig, kilalá dahil sa kapayapaang namayani sa Kanlurang Europa at pag-unlad ng sining, literatura, at teknolohiya
belle lettres (bel lé•tre) 1: magaan at eleganteng sulatín o pag-aaral na kaugnay sa panitikan 2: literatura na itinuturing na sining at may natatanging funsiyong estetiko
be•lú•ga 1: putîng sturgeon (Huso huso) na mula sa Dagat Itim at Caspian at pinagkukunan ng caviar at isinglass 2: maliit na patíng (Delphirapterus leucas) na may ulong pabilog at pumuputî kapag naging tigulang
bel•ya•dó•na 1: yerba (Atropa Belladonna) na nakalalason, may mapuláng lila na bulaklak, at may itim na berry 2: gamot mula sa dahon at ugat nitó