bé•na 1: isa sa mga sistema ng mga ugat na dinadaluyan ng dugo mula sa iba’t ibang bahagi ng katawan túngo sa puso 2: tissue na bumubuo sa pa-ngunahing balangkas ng dahon 3: anumang lawas ng ore, uling at katulad na naiiba o nahihiwalay sa iba 4: lawas ng batóng igneous, naipong mineral, o katulad na nása bitak o guwang sa bato
bén•da 1: piraso ng tela o ibang materyales na pantakip sa sugat, pilay, at katulad 2: piraso ng materyales na ginagamit na piring sa matá