Beth•le•hém : sa Bibliya, bayan sa timog kanlurang Jordan, malapit sa Jerusalem, at pook na sinilangan nina Hesus at David
bé•tis 1: punongkahoy (Madhuca betis) na kinukunan ng langis ang bunga, nakagagamot ang dagta at dahon, at ginagawâng tabla ang kahoy 2: bintî1
bé•tú•te : lutòng Kapampangan sa palaka, pinalalamanán ng kamatis, bawang, at paminta, at ipinipirito
bé•vel 1: pahilig na rabaw 2: anggulong nalilikha ng gayong rabaw 3: instrumento na ginagamit sa paglikha ng gayong anggulo