bé•ta•máx 1: kasangkapan na ikinakabit sa telebisyon upang mapanood ang lamán ng beta tape 2: pinatuyô at inihaw na dugo ng manok at isinisilbi sa maliiliit na kuwadradong piraso
beta tape (bé•ta teyp) : teyp ng anumang palabas na ipinapasok sa betamax upang mapanood sa telebisyon
be•te•rá•no 1: tao na may mahabàng karanasan sa alinmang gawain, propesyon, at katulad 2: tao na nagsilbi sa militar o matagal nang naninilbihan sa hukbong sandatahan, lalo na ang nakipaglaban sa digmaan hal beterano ng Unang Digmaang Pandaigdig