ber•si•ku•ló : maikling dibisyon ng kabanata sa Bibliya, karaniwang binubuo ng isang pangungusap o bahagi ng isang mahabàng pangungusap
ber•si•yón 1: sálin3 2: partikular na uri 3: salaysay ng isang pangyayari na iba sa salaysay ng ibang tao
bér•so 1: akdang may tugma at sukat 2: taludtod1 3: uri ng rebentador na lumilikha ng sunod-sunod na putok
beryllium (be•ríl•yum) : element na matigas, kulay abo, magaan, at metaliko (atomic number 4, symbol Be)
bes•tí•bu•ló 1: pasilyo, bulwagan, o antekamara kasunod ng panlabas na pintuan ng bahay o gusali 2: maliit na pasukan ng bagon ng tren 3: anumang hungkag na bahagi na pasukan túngo sa isang panloob na espasyo o cavity
bes•ti•dú•ra : lona o trapal na ikinakabit sa paligid ng karitela at ginagawâng pantábing kung umuulan