be•rí•ba : punongkahoy (Rheedia edulis) na may bungang bilóg, dilaw hanggang kulay dalandan, at may isang malakíng butó
bé•ri•bé•ri : sakít na dulot ng kakulangan sa bitamina B1, may epektong pamamagâ ng mga ugat at komplikasyon sa puso
berkelium (ber•kíl•yum) : element na sintetiko, radyoaktibo, at metaliko (atomic number 97, symbol Bk)
ber•na•ku•lár 1: katutubò o taal sa pook 2: ipinahayag o isinulat sa katutubòng wika ng isang pook gaya ng mga akdang panitikan 3: gumagamit ng katutubòng wika 4: gumagamit ng payak, pang-araw-araw, at ordinaryong wika 5: popular 6: hinggil sa pangkaraniwang tawag sa haláman o hayop
Bernardo Carpio (ber•nár•do kár• pyo) 1: tauhan sa metriko romanse na may pambihirang lakas at naging kampeon ng pakikidigma ng mga Kristiyano laban sa mga Moro sa Espanya 2: hari ng mga Tagalog at pinaniniwalaang nakaipit sa nag-uumpugang bató
bér•ro : halaman (Nasturtium officinale) sa pamilya ng repolyo at singkamas, tumutubò sa lupang matubig, at karaniwang ginagamit ang dahon na sangkap sa ensalada