bí•lal : pangatlong pinakamataas na tao sa komunidad, may tungkuling manawagan sa masjid para magdasal
bí•lang 1: magkakasunod na simbolo o salitâng gamit sa pag-aayos ng dami 2: isa sa mga serye ng bagay 3: isang bahagi ng librong inilathala nang hiwalay 4: alinman sa koleksiyon ng tula at awit 5: bahagi sa palatuntunan 6: isyu ng peryodiko 7: pagpapahayag ng dami o kabuuan
bi•lang•gô 1: tao na ikinulóng sa isang silid o pook bílang parusa sa paglabag sa batas 2: bíhag1 3: alguwasil3
bi•lá•o : malanday na basket, masinsin ang hábi, pabilóg o may apat na súlok, at orihinal na ginagamit sa pagtatahip ng pálay at bigás