bag•sák 1: pagkalaglag o pagkabuwal na pabigla at napakatindi 2: pagkaalis sa kapangyarihan 3: bangkaróte 4: hindi pagpasá sa pagsusulit o sa anumang kaugnay nitó 5: ubos-tinding pagtatarak o pagpalò ng tulos o haligi para bumaon.
bag•sáng 1: ubod ng palma na inihahanda bílang pagkain 2: pusò ng mais na may kakaunting butil 3: sagó1.
bag•sík 1: kapangyarihan o lupit hal bagsik ng isang pinunò 2: tindi ng bisà, gaya sa alak, lason, at katulad